top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Knows mo na ba ‘yan? Dahilan kaya ipinagbawal ni Lord ang pagkain ng baboy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 16, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Dexter ng Dexter_Dexterous@facebook.com

Dear Señor,

Totoo bang ipinagbabawal sa Banal na Kasulatan ang pagkain ng baboy, kasalanan ba ‘yun?

Naghihintay,

Dexter

Sa iyo, Dexter,

Ang kolum na Karunungang Lihim ay hindi pangreli­hiyon kaya hindi natin hinihikayat ang sinuman na mag­palit ng kani-kanilang relihiyong kinaaaniban.

Sa tanong mo kung totoo na ipinagbawal ni God ang kumain ng baboy, ang sabi Niya, “huwag kayong kakain ng laman ng hayop na hindi ngumunguya.”

Tapos, nilinaw ni God, sinabi niya, letra-por-letra na ang baboy ay karumal-dumal at huwag kainin dahil ang baboy ay hindi ngumunguya.

Nakakita ka na ba ng baboy na kumakain? Sa biglang ti­ngin, siya ay ngumunguya, pero sa totoo lang, hindi siya ngumunguya dahil ang baboy ay ngumangasab, as in, hindi niya nginunguya ang kanyang kinakain. Dahil tuluy-tuloy ang kanyang pagkain, tuluy-tuloy din ang mga kinakain niya sa kanyang tiyan.

Noon, sinabi ito ni God, hindi pa naiimbento ang salitang ‘science’. Kaya hindi puwedeng angkinin ng kahit sino ang kaalaman ni God mismo na nasabi sa tao. Noon pa man, alam na ng mga naniniwala kay God na nadudurog ang pagkain sa pagnguya kung saan nagpipira-piraso ang mga pagkain at natutunaw sa digestive system.

Narinig mo na ba ang payo ng mga doktor na huwag ku­­main nang mabilis dahil puwedeng masira ang tiyan at hindi matunawan? Ang mga doktor ay alagad ng siyensiya pero muli, wala pa man ang salitang science ay itinuro na ni God ang tamang paraan ng pagkain.

Gayundin, nakikita at nababasa mo ba sa internet na huwag kumain ng baboy dahil masama ito sa kalusu­gan? Nababalitaan mo ba r’yan sa inyo na may kumain ng lechon na inatake at namatay?

Pero, siguradong hindi mo pa narinig na ang hula sa Aklat ni Isias na kanyang sinabi, “sa mga huling araw, magsasama-sama ang mga tao sa hardin na kumain ng mga karne ng daga at baboy, silang sabay-sabay na pupuksain ni God.”

Nakatatakot ang hulang ito pero parang magkakatotoo dahil ang pangkaraniwang binabaon sa mga piknik ay lutong baboy.

Muli, ang ating kolum ay hindi pangrelihiyon, kaya kahit Katoliko o iba ang iyong relihiyon ay puwedeng hindi kumain ng baboy. Ang isa pang totoo, sa gusto o sa ayaw mo, sasabihin ng iyong doktor na huwag nang kumain ng baboy.

Hindi dahil ito ang utos ni God, kundi dahil sa ma­ru­mi ang baboy, as in, karumal-dumal pero sa wikang Ingles, medyo maganda ang depinisyon na ang baboy ay unfit for human consumption.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page