Horoscope | Setyembre 16, 2019 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Sep 16, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Setyembre 16, 2019 (Lunes): Si Venus ang naghahari sa iyong kapalaran. Siya ang diyosa ng kagandahan. Dahil dito, hindi ka lang magiging maganda, gaganda rin ang mismong buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbabalikan sa iyong harapan ang mga tukso at dapat kang magpakatatag. Sa lahat ng klase ng nagpapabagsak sa buhay ng tao, tukso ang pinakamapusok, mapagpilit at mahirap talunin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-19-22-27-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang barahang alas. Kung lalaban ka, mananalo ka. Kung hindi ka makikipagsapalaran, matutulad ka sa mga malakas pero walang saysay ang lakas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-15-18-20-25.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakaaakit ang mga kilos at ang mga pagsasalita ay may bisa ng malakas na gayuma. Hahanap-hanapin mo ito kapag hindi mo nakikita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-16-25-27-34-36.
CANCER (June 21-July 22) - Gamitin mo ang iyong kakaibang karisma dahil sayang lang ito kapag hindi mo pinakinabangan. Huwag mong kaligtaan na rito sa mundo, ang pinakamahalaga ay ang magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-26-33-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nabubuhay ang tao dahil sa kanyang mga pangarap. Kaya ang walang ambisyon ay walang kahihinatnan. Mag-ingat ka dahil may mga taong dumidikit sa iyo pero walang mga pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-23-30-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ka magsikap dahil ang kasalukuyan ang nagsasabi kung ano ang iyong magiging kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-20-29-30-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Noon pa man, magagandang kapalaran na ang inilaan sa iyo ng langit. At ang isa pang masayang balita ay nagsasabing, mula ngayon ay mag-uunahan ang mga ito na dumapo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-15-17-24-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mapasasaiyo ang hindi mo pinagsikapang kunin. Noon pa naman ay ganito na ang iyong kapalaran kung saan may mga bagay na napasasakamay mo kahit hindi mo pinag-interesan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-12-23-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Parang mga ligaw na bala ng mga baril ang mga bibitiwan mong salita. May mga tatamaan at may lihim na masasaktan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-27-29-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi malaya ang tao dahil hindi niya kayang kontrahin ang batas ng kalikasan. Ikaw ay tao na iibig, sa ayaw at sa gusto mo. Muli, walang kalayaan ang tao sa mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-14-25-34-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamitin mo sa tamang bagay ang matatanggap mong mga alalay. Ang pera sa negosyo ay para sa negosyo at huwag kang tumulad sa iba na kung saan-saan ginagamit ang pera na dapat ay pang-negosyo lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-21-26-35-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsaya at maglibang ka. Huwag mong pakinggan ang iba na ang pagsasaya at paglilibang ay pag-aaksaya lang ng oras. Ang mga tao na sobrang seryoso ay madaling dapuan ng karamdaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-22-24-31-36.




Comments