top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit sa Kongreso.. Bgy. at SK elections, gawin sa 2023

  • Mylene Alfonso
  • Sep 16, 2019
  • 1 min read

Umaasa si Senadora Imee Marcos na lulusot ang postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 2023.

“Tapos na sa Senate isasalang na sa plenary at sana makalusot dahil October na ‘yung schedule masyado nang dikit sa Comelec dapat i-postponed na agad,” ani Imee, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.

Sinabi pa ng senadora na dapat siyang suportahan ng mga kapitan sa pagpapa-extend ng kanilang temino.

“Higit sa lahat alam po ninyo itong mga barangay kapitan natin dapat talagang suportohan ninyo ako at pinapa-extend ko ang inyong termino sa Senado. Ang sabi ko sa kanila kauupo lang ng mga kapitan puwede ba pahabain na hanggang matapos na ang national election sa Mayo 2023 na. Ayos ba? Ayos ba sa mga kagawad? Okey din sa mga kagawad tiis-tiis muna mga bagets pa naman kayo,” ani Imee sa kanyang talumpati sa Caloocan City.

Gayunman, aminado ang mambabatas na hindi pa siya sigurado kung makalulusot ang nasabing panukala.

Matatandaang, dalawang beses nang naudlot ang Barangay at SK Elections sa ilalim ng Duterte administration kung saan ang una rito ay mula October 2016 ay ginawang October 2017 hanggang naging May 2018 matapos lagdaan ng pangulo ang Republic Act No. 10952.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page