top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Central Board officers at members ng FIBA, binuo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 16, 2019
  • 1 min read

Nagbuo ng bagong Central Board ang International Basketball Federation o FIBA sa ginanap na XXI FIBA Congress noong nakaraang katapusan ng buwan ng Agosto sa Beijing.

Labingtatlong mga miyembro kasama na ang bagong halal na presidente, ingat-yaman at secretary-general ang itinalaga sa bagong Central Board.

Kaugnay nito, pumili pa ang Central Board ng dalawang bagong miyembro sa katauhan nina Yao Ming ng China at si Samahang Basketbol ng Pilipinas Chairman Emeritus Manuel V. Pangilinan.

Sa pagkakadagdag ng dalawa, umabot na sa 25 ang kabuuang miyembro ng FIBA Central Board.Bukod dito, nag-appoint din ang Central Board ng karagdagang miyembro ng Executive Committee upang makasama ng mga ex officio members na sina bagong FIBA President Hamane Niang, bagong FIBA Secretary General Andreas Zagklis, bagong FIBA Treasurer Ingo Weiss at ang mga pangulo ng limang rehiyon ng FIBA na binubuo nina Anibal Manave ng Africa, Carol Callan ng America, Sheikh Saud Bin Ali Al-Thani ng Asia, Turgay Demirel ng Europe at Burton Shipley ng Oceania. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page