top of page
Pokwang.jpg

Bahay niragasa.. 3-anyos, patay sa killer truck

V. Reyes
Sep 16, 2019
1 min read

Dedbol ang tatlong taong gulang na lalaki habang dalawang iba pa ang sugatan nang ragasain ng dump truck ang traysikel at bahay sa Su­rigao City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Sherman Al­cantara habang nasugatan ang kapatid nitong si BJ at ang tricycle driver na si Filborg Aclo.

Batay sa paunang pagsi­si­yasat, nawalan umano ng preno ang drump truck na may kargang buhangin.

Dumiretso ang trak sa nakaparadang traysikel at sa bahay ng Pamilya Alcantara na nasa gilid ng national road sa Bgy. Cagniog.Dahil sa la­kas ng pag­bangga, nawa­sak din ang ba­hay ng pamilya.

Sumuko ang drayber ng truck na si James Castillo, na ngayo’y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, seri­ous physical injury and da­mage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page