2 katao arestado sa “hot logs”
La Union — Dalawa katao ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng “hot logs” o mga trosong walang kaukulang dokumento kamakalawa sa Bgy. Caoayan, Burgos.
Kinilala ang mga suspek na sina Benjie Aberin, driver ng jeep at Virgo Dinganan, pahinante, kapwa residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad na may lulang “hot logs” ang pampasaherong jeep na minamaneho ni Aberin kasama ang pahinanteng si Dinganan at dahil dito ay pinara ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at pulisya ang sasakyan ng mga suspek at dito nakumpiska ang mga trosong walang kaukulang dokumento.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.





Comments