P1.60 dagdag-presyo sa gas

Magpapatupad ng bigtime oil price hike ang mga kumpanya ng petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa paunang ulat mula sa ilang insider sa oil industry, aabot sa P1.60 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasoline.
Tataas naman ng P0.80 ang kada litro ng diesel, samantalang, P1.00 sa bawat litro ng kerosene.
Epekto ang panibagong oil price increase sa pagtaas ng oil products sa world market at mahinang halaga ng Piso laban sa US dollar.
Samantala, sa Martes ng umaga inaasahan ang pagpapatupad ng nasabing dagdag-presyo.





Comments