top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga korup sa lipunan, palitan na ng mga batang lider

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 15, 2019
2 min read

Lumaganap na ang African Swine Flu (ASF).

Pero, ang pagkain ng “pork”, hindi pa rin bawal!

◘◘◘

DAHIL sa peste sa mga baboy, tatabo naman ang kita ng mga nagtitinda ng gulay, isda, manok at baka.

Kumbaga, weder-weder lang talaga!

◘◘◘

NAIINGGIT ang Taiwan sa North Korea na kumpirmadong may nuclear weapons.

Kung may nuclear weapons lang ang Taipei, hindi sana siya natatakot sa China!

◘◘◘

ANG Pilipinas ay binu-bully ng China at U.S. dahil walang nuclear weapons ang Maynila.

Ang malakas na puwersang military ang sagot sa West Philippine Sea (WPS)!

◘◘◘

NAGDAAN ang Agosto 13, pero walang gumunita sa araw kung kailan ibinentot ng U.S. ang Republika ng Pilipinas.

Ang araw na ito ang ‘pekeng giyera’ ng Espanya at U.S. sa Manila Bay!

◘◘◘

KAILANGANG magsaliksik ang kabataan kaugnay sa kasaysayan ng Pilipinas.

Marami nang sibilisasyon at gobyerno ang nabuhay sa teritoryo ng Pilipinas bago pa nakarating ang mga taga-Europa sa Pilipinas!

◘◘◘

ANG modernong likhang panulat ay binuo sa Europa na nakaimpluwensiya sa daigdig at mismo sa Pilipinas.

Mas dapat nating ikalat at palaganapin ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas na nag-ugat 800,000 taon na ang nakararaan!

◘◘◘

ANG may kontrol sa gobyerno ay walang kultura, nagpapadikta lang sila sa mga dayuhan at kinang ng salapi mula sa korupsiyon.

Dahil d’yan, imposibleng maresolba ang problema ng bansa!

◘◘◘

SA panahon ng digmaan, ang resistensiya, enerhiya at talino ng kabataan ang nagsisilbing depensa ng bansa.

Sa panahon ng kapayapaan, ang mga duwag at matatandang beterano sa korupsiyon ang nagdidikta sa pamahalaan!

◘◘◘

MABABAGO lang ang gobyerno at lipunan kung makokontrol ng kabataan ang pamamahala.

Pero, ang kabataang ito, dapat walang record ng korupsiyon at panloloko sa kapwa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page