Gunrunner, dedo sa shootout
- Pabs Hernandez III
- Sep 15, 2019
- 1 min read
Camarines Sur — Isang gunrunner ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Sabang, Naga City. Ang suspek ay nakilalang si Salvador Ganganta, nakatira sa naturang lungsod.
Nabatid na nahalata umano ni Ganganta na mga pulis ang kanyang katransaksiyon sa bentahan ng baril kaya pinaputukan nito ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments