First all-lady cops police station.. ‘Mariang Pulis’ at Your Service

Pormal nang inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang kauna-unahang police station sa bansa na tatauhan ng mga babaeng pulis.
Matatagpuan ang nasabing police station sa bayan ng Maria sa lalawigan ng Siquijor kung saan tatawagin sila bilang ‘Mariang Pulis’.
Sa kabuuan, aabot sa 21 lady cops ang itinalaga sa nasabing himpilan at pamumunuan ito ni Maria Chief of Police Captain Judith Besas.
Ang naturang pagpapasinaya ay isinagawa kasunod ng naunang inilunsad na pawang mga kababaihan din mula sa PNP-Highway Patrol Group riders team at ng Special Action Force (SAF) na may malaking bilang ng mga kababaihang recruit na naitala noong Pebrero 2019.
Ipinaliwanag ng liderato ng PNP na ang nasabing inisyatibo ay mula kay Region 7 Director Gen. Debold Sinas.
“This move will strongly advance women empowerment in promoting public safety and security services at all levels of police units and offices in the region,” ani Sinas.
Sumailalim aniya ang mga policewoman sa mahigpit na pagsasanay tulad ng firearms shooting, investigation, driving at martial arts.





Comments