Drug trafficker, timbog
Cagayan—Naaresto ang drug trafficker sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Nabaccayan, Gattaran.
Ang suspek ay kinilalang si Jose Daquioag, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu, markadong pera, motorsiklo, shotgun at mga bala sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments