'Di lang ang panganay, bagong baby, sa Tate isisilang ni Mariel… Sigaw ng netizens: Robin, peken
- BULGAR

- Sep 15, 2019
- 1 min read

Nasa hot water na naman ngayon si Robin Padilla dahil may ilang netizens ang kumukuwestiyon sa kanyang pagiging makabayan.
Ever since, open naman kasi si Robin sa pagmamahal niya sa bayan at mababasa pa nga sa kanyang mga social media posts ang mga opinyon niya na laging ipinagsisigawan ang kanyang pagiging Pilipino.
Pero dahil sa pagkumpirma nina Robin at Mariel Rodriguez na tulad ng kanilang unang anak na si Isabella ay sa USA rin ipapanganak ang second baby nila sa November, may mga bumabanat ngayong netizens kay Robin.
Ang punto ng mga netizens, kung totoo raw na makabayan si Binoe, bakit kailangang sa USA pa ipanganak ang kanyang mga anak at hindi rito sa ‘Pinas?
Ayaw daw ba niyang maging Pinoy ang mga anak na tulad niya at sa halip, gusto niya ay maging instant US citizen ang mga ito?
Kaya naman, may ilang nagsasabing hanggang sa salita lang daw ang pagiging makabayan ni Robin pero hindi naman nito mapangatawanan.
Hmmm… Sige nga, maitanong nga ‘yan kay Robin kapag nakita uli namin siya.





Comments