top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Delivery boy nag-bomb joke, kulong

  • Gina Pleñago
  • Sep 15, 2019
  • 1 min read

Swak sa kulungan ang delivery boy matapos mag­birong may dalang bomba sa isang casino hotel sa Para­ñaque City, kamakalawa.

Kinilala ni Parañaque City Police Chief Col. Robin Sarmiento, ang suspek na si Reynaldo Balisi, Jr., 30, ng Bacoor, Cavite nang ipahuli ng mga security officer ng Bloomberg Resort and Ho­tel, Inc. na nagmamay-ari ng Solaire Resort and Casino.

Base sa imbestigasyon, nagtungo sa Solaire Resort sa Aseana Avenue, Bgy. Tam­bo si Balisi, sakay ng kanyang motorsiklo dala ang hindi nabanggit na produkto alas-3:50 ng hapon.

Pagdating ni Balisi sa Theater Driveway ng natu­rang hotel, ininspeksiyon ng mga security officer ang kan­yang dala pati na ang kan­yang delivery box na nasa likurang bahagi ng minama­nehong motorsiklo.

Agad nagsagawa ng pag-inspeksiyon ang mga guwar­diya sa kanyang bitbit, baga­ma’t, walang nakita, ipina­huli pa rin si Balisi.

Sa pamamagitan ng ki­natawan ng naturang hotel na isang Mr. Nero na tuma­tayong complainant, sinam­pahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o Anti Bomb Joke Law si Ba­lisi sa Parañaque City Pro­secutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page