Day care teacher niratrat, todas
- Jeff Tumbado
- Sep 15, 2019
- 1 min read
Isang day care teacher ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa mismong bahay nito sa Lapu-Lapu City.
Ayon kay Mactan Police Station Commander Police Master Sargeant Wilson Malnegro, kinilala ang biktima na si Benjamin Rosales, 43, guro sa Sacred Heart Day Care Center.
Batay sa ulat, bandang ala-1:00 ng madaling-araw kahapon nang sinasabing may kumatok sa bahay ng biktima sa Bgy. Pajac, at nang pagbuksan ay agad itong pinagbabaril.
Matapos umano ang pamamaril, sumakay ito sa motorsiklong may nakaantabay na driver. Tatlong basyo ng bala ang narekober ng SOCO team sa lugar ng krimen.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.





Comments