top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Argentina vs. Spain sa final ng FIBA Cup

  • MC / Gerard Arce
  • Sep 15, 2019
  • 2 min read

Kinailangan pang pumasok sa dalawang overtime ang Spain upang ganap na makaentra sa finals ng FIBA Basketball World Cup na ginaganap sa China nang talunin ang ang Australia, 95-88.

Ang pinagsamang tikas ng NBA stars na sina Marc Gasol at Ricky Rubio ang nagdala para sa koponan sa championship round. Nakapagtala ng 33 puntos, 6 na rebounds at 4 na assists si Gasol ng NBA team na Raptors, habang may 19 puntos, 12 assists at 7 rebounds si Rubio habang nagdagdag na 9 puntos si Victor Claver.

Lumamang pa ng halos 11 puntos ang Australia pero nagawang habulin ng Spain at nakalamang na sila sa 4th quarter, 71-72. Isang panalo na lang ang kailangan ng Argentina para makuha ang kauna-unahang FIBA World Cup title simula noong 1950 matapos na tibagin ng South American ang France, 80-66 noong Biyernes at naitakda ang final championship game kontra Spain.

Sa suporta at cheers ng kanilang fans, pinaspasan ng Argentina ang laro kontra France na siya namang nagpatalsik sa US sa quarterfinal round. Sa taglay na average height ng 6-foot-8, ang France ang isa sa pinakamatatangkad na teams sa World Cup. Ang kanilang height advantage ang sandata nila laban sa reigning two-time champions ang U.S.A. sa makapigil-hiningang quarterfinal victory.

Maliit lang ang iskor na hinabol ng Argentina na may 52-38 sa buong third quarter patungo sa malaking panalo. Magsasagupa naman ang France at Australia para sa bronze medal ngayong Linggo.

Samantala, nakaupo si NBA legend Kobe Bryant sa courtside ng FIBA World Cup semi-finals sa China noong Biyernes ng gabi at nagbigay ito ng komento hinggil sa paghaharap ng Spain at Argentina sa final

Katabi pa ni Bryant si Manu Ginobili sa dalawang sunod na laro na kanilang pinanood at excited na raw sila sa laro ngayong Linggo. “Great basketball with great people,” ayon sa tweet ni Bryant. “Sunday’s Spain vs. Argentina is going to be epic.”

Aniya, ang laro ng Argentina ay may matitinding mga depensa habang ang Spain ay maituturing na isang historical win kontra Australia na nagwagi sa pahirapang double-overtime. Si Bryant ang ambassador ng 2019 FIBA World Cup.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page