top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tserman pinagbabaril, patay

V. Reyes
Sep 14, 2019
1 min read

Dead-on-arrival sa ospital ang isang barangay chairman sa Cagayan, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Remegio dela Cruz, 60, kapitan ng Bgy. Bugnay, matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bayan ng Tuao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Dela Cruz ang kanyang sasakyan nang pagbabarilin ito alas-8:45 ng umaga.

Sa ngayon, hindi pa kilala ang mga nasa likod ng pamamaril habang patuloy na inaalam ang motibo sa pananambang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page