Pulis tinodas sa punerarya
Levi Gonzales
Sep 14, 2019
1 min read

Dedbol ang dating pulis matapos barilin sa punerarya sa Bgy. Sinagtala, Mabitac, Laguna. Kinilala ang biktimang si Victor Recio, 57, may asawa, residente sa naturang lugar.
Pasado alas-6:00 ng umaga habang naglilinis sa labas ng kanyang punerarya ang biktima nang tumigil sa kanyang harapan ang motorsiklo na sakay ang dalawang naka-jacket at bonnet saka siya binaril.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng suspek.





Comments