Papuntang lamay.. Mister niratrat ng riding-in-tandem, utas

Todas ang 45-anyos na mangingisda matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Navotas City, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-the-spot si Jessie Jimenez, ng Bgy. Tangos.
Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas, alas-4:45 ng madaling-araw, naglalakad ang biktima sa E. Nadela St. para magtungo sa lamay nang harangin siya ng riding-in-tandem at pagbabarilin.
Patuloy ang follow-up operation sa pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.





Comments