Nagpakilalang fan ni Kathryn… Liza at Nadine, binantaang sasabuyan ng asido sa star magic ball
- Vinia Vivar
- Sep 14, 2019
- 1 min read

Wala na sa Twitter ang pagbabanta ng isang netizen na sasabuyan daw niya ng asido sa mukha sina Liza Soberano at Nadine Lustre sa ABS-CBN Ball na gaganapin ngayong gabi, Sept. 14.
Tweet ng netizen na deleted na ngayon, ”I’ll make sure to pour muriatic acid to these girls faces if they showed up at ABS-CBN Ball, so be ready Soberano and Lustre. MARK MY WORDS.”
Bale ba ay photo ni Kathryn Bernardo ang ginamit ng netizen na profile picture na tila ipinangangalandakang fan siya ng aktres.
May nagparating na sa manager ni Liza na si Ogie Diaz ng nasabing “threat” at sumagot naman ito sa Twitter.
“Salamat sa concern. Nakarating na rin po sa amin. Meron pong security as always,” tweet ni Ogie.
Anyway, mukhang hindi naman tototohanin ng netizen ang kanyang banta dahil kung may ganu’n talaga siyang balak, hindi na sana niya inanunsiyo pa.
Pero siyempre, dapat pa ring mag-ingat at alerto dapat ang mga security personnel sa venue.





Comments