Horoscope | Setyembre 14, 2019 (Sabado)

Sa may Kaarawan ngayong Setyembre 14, 2019 (Sabado): Ang simbolo ng araw na ito ng iyong pagsilang ay nagsasabing, mula sa wala, ikaw ay magkakaroon. Ito ang totoo at ang iba ay mga pamahiin lamang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Umiwas ka sa mga walang magawa kundi pintasan ang kapwa. Mahirap paniwalaan pero, ang bawat pintas nila ay kasiraan ng kanilang pagkatao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mula sa abo, lumabas ang pagkaganda-gandang ibon. Kaya dapat bawat tao ay maniwala na kapag nabigo, ikaw ay magbabago sa iyong pagkabangon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-17-20-21-25-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Nadarapa ang sobrang mabilis, nakikita naman ng mabagal ang mga hadlang at sagabal sa kanyang daraanan. Ikaw ay dapat mapabilang sa huli nang hindi ka na muli pang masaktan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-26-39-40-43.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakakaba sa panig mo ang mga araw na darating pero, wala kang dapat ipag-alala dahil nang minsan kang kabahan, magagandang kapalaran ang nagdatingan sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-27-30-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nananariwa ang mga puno at halaman sa mga ulan. Dumating na ang pananariwa ng iyong kapalaran at sa huli ay matitikman mo ang matatamis na bunga ng iyong pagsisikap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-19-27-30-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habaan mo ang pasensiya mo. Sa mga araw na ito, ang mga nakaiinis at nakabubuwisit na tao ay magdidikitan sa iyo. Sila ay mahihina at nagkukunwari lang na maraming nalalaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-25-29-34-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mula sa kalungkutan, ikaw ay tatayo at sa iyong pagtayo, kaligayahan ang darapo sa iyo na para kang diwata na nakikipaglaro sa mga magagandang paruparo. Masuwerteng kulay-pink.Tips sa lotto-15-19-20-25-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sino ang ayaw kumilos dahil tinatalo ng negatibong pananaw pero, itinulak ng kapalaran kung saan sa huli ay nakahiga sa gintong higaan? Sino pa nga ba, kundi ikaw! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-22-25-33-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit ang nakikita ng mga mata mo ay makakapal na ulap, ituloy mo ang iyong laban sa buhay. Kahit ang Haring Araw ay naglalaho sa gabi pero sumisikat din sa umaga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-25-30-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit hindi ka manghuhula, kaya mong basahin ang kilos at pananalita ng iyong kaharap. Huwag kang padadaya at kung puwede, ikaw lang dapat ang makalamang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-18-21-23-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka aatras dahil iiwas ka lang. Kaunting layo lang at kapag nakita mong nagkamali ang iyong kaaway, lumaban ka. Ito ang sikreto para manalo sa mahigpit na laban. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-21-25-31-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itinatapon ng tao ang basura niya sa katawan. Ito ay nagsasabing, ang mga pabigat sa iyo at ang mga nagpapasakit ng ulo mo ay alisin mo na sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-22-25-35-36.




Comments