Estudyanteng tulak, kulong

Huli sa pagbebenta umano ng ilegal na droga ang isang estudyante sa Pasay City.
Kinilala ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang ang suspek na si Jomar Candido alyas Jomar, 18, estudyante, ng Bgy. 178, Zone 19.
Ayon sa ulat, alas-11:55 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni Captain Deni Mari Pedrozo na ikinaaresto ni Candido.
Binentahan umano ng suspek si Cpl. Cleophas Cabasag na nagsilbing poseur-buyer at narekober ang tatlong pakete na naglalaman ng umano’y shabu na nasa P6,800 ang halaga.





Comments