Coach Popovich, pinuri ang talented Serbian
- Gerard Arce
- Sep 14, 2019
- 1 min read

Wala nang ibang nasabi si USA basketball coach Gregg Popovich kundi ang papurihan ang maraming talented players ang Serbia kumpara sa mga Team USA na ang ilan ay baguhan lamang nang talunin sila sa FIBA Basketball World Cup sa China, 94-89.
Kaya naman mas pagtutuunan ng pansin ng USA Basketball ang 2020 Tokyo Olympics matapos ang pinakamasamang performance sa pandaigdigang torneo.
Matapos putulin ng France ang 58-game winning streak ng Team USA ay nalasap ng mga Kano ang kauna-unahang two-game losing skid sa kamay ng Serbia, para sa 5th place spot, at maging pinakapangit na pagtatapos sa World Cup sa pang-7th place at mahigitan ang 2002 championship sa 6th place finish.
Hindi ito naging katanggap-tanggap sa pamunuan ng USA team kung kaya’t sisimulan nila ng maaga ang paghahanap sa mga players na tunay na magtatanggol ng korona sa 2020 Tokyo Olympics sa ika-apat na pagkakataon sa 2020. “We’re going to let the dust settle, let things depress a little bit. Obviously I’m always thinking ahead which means what’s going to take place, and it’s going to happen fast and soon because we just have to get our act together for the Olympics,” wika ni USA Basketball managing director Jerry Colangelo, na dismayado sa pag-atras ng halos bigating 35 players na kinabibilangan nina Stephen Curry, James Harden, Damian Lillard, Anthony Davis, Andre Drummond at marami pang superstars.





Comments