Cardinals, bida sa 2OT JRU, pinasabog ang EAC


Naunsiyami sa tangkang makapagsolo sa ikalawang puwesto ang Letran makaraang payukurin ng Mapua sa double overtime kahapon, 105-101 kahapon sa second round ng NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.
Umiskor ng kanyang career high na 31 puntos si Noah Lugo bukod pa sa 5 rebounds upang pamunuan ang naturang panalo ng Cardinals na bumuhay sa tsansa nilang umabot ng semifinals.
Trinabaho talaga ng mga players, especially yung execution ng offense at defense namin. Hindi bumigay sa overtime, unang overtime, pangalawang overtime, hanggang nag-cramps, pero nandoon pa rin at lumaban,” pahayag ni Mapua coach Randy Alcantara matapos ang pagbawing panalo.
“Congratulations na lang sa both teams dahil parehong maganda talaga ang ipinakita.”
Tumapos namang topscorer para sa Knights na bumagsak sa 7-4 na rekord si Fran Yu na may 23 puntos. Nauna rito natalo ulit ng Jose Rizal University ang Emilio Aguinaldo College, 69-63, upang patuloy na buhayin ang tsansa nilang makahabol sa Final Four.
Pinangunahan ni Agem Miranda ang talo pang kakamping nagtala ng double digit sa ipinoste niyang 16 puntos para maiangat ang koponan sa kartadang 4-7(panalo-talo).
Ang teammate naman niyang si Marwin Dionisio na tumapos na may 13 puntos at 16 na rebounds ang nagsilbing pamatay sunog sa bawat rally at paghahabol na ginawa ng Generals partikular sa final canto.
Thankful kami at least nanalo na ulit. Pero this game, yung closing ng laro yung wala namin. We really lost bad sa last games namin with Mapua, Saint Benilde, and Letran,” ayon kay JRU coach Louie Gonzalez matapos na muling manalo mula ng huli silang magwagi noon pang Agosto 1. “Ang naging problema namin yung papano namin ma-close out yung game at maging competitive sa endgame.” (VA)





Comments