top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bro, kahit seldom mo lang gawin 'yan, bad pa rin… Inggratong aktor, nag-ober da bakod lang, sini

  • Erlida Rapadas
  • Sep 14, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

Inggrato at walang utang na loob ang isang aktor na hindi naman sikat at hindi rin gaanong guwapo pero may lakas pa ng loob na siraan ang network na nag­bigay sa kanya ng magagandang projects.

Sa ilang taon na ipinamalagi niya sa network na kumalinga sa kanya ay pinagbida naman siya sa serye at markado lagi ang kan­yang role. Kahit papaano ay kumita naman siya nang malaki sa network at natu­lungan na magkaroon ng magandang career.

Ngayong tapos na ang kontrata niya sa network at nag-ober-da-bakod na siya, puro kapintasan ng iniwang network ang sinasabi niya sa kanyang mga interviews. Puring-puri naman niya nang husto ang nilipatang network.

Kaya ang mga artistang dati niyang nakasama-nakatrabaho sa iniwang network ay nagkakaisa sa pagsasabing hindi naman siya kawalan dahil hindi siya naging asset. Dismayado ang mga co-stars ng walang utang na loob na aktor dahil sa ginagawa nitong paninira sa iniwang network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page