top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mula 2004 hanggang 2019.. Driver’s license na hindi pa tinutubos, wala nang penalty

Mylene Alfonso
Sep 13, 2019
1 min read

Ipatutupad ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang amnestiya para sa lahat ng lisensiya na hindi tinubos sa Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) mula pa noong 2004 hanggang ngayong 2019.

Bibigyan ng pagkakataon ang mga drayber na tubusin ang kanilang lisensiya kung saan hindi na babayaran ang penalty, surges at interest nito hanggang Disyembre 31, 2019.

Nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ni Land Transportation Office (LTO) Asst. Secretary Edgar Galvante para bigyan ng access ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Integrated Law Enforcement System (ILES).

Ito ay para maberipika agad ng mga traffic enforcer ng Maynila ang estado ng lisensiya na kanilang sinita para sa isang traffic violation.

Samantala, ininspeksiyon ni Dennis Viaje, hepe ng MTPB ang libu-libong driver license na naipon matapos hindi tubusin ng mga driver na lumabag sa batas-trapiko mula pa noong 2004 hanggang 2019.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page