Mga seaman at taong may birthday na 7, 16 at 25, suwerte ngayong September
- BULGAR

- Sep 13, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa mahalagang astrolohikal na impormasyon ngayong Setyembre na ang buntalang Neptune ay “opposite to the Sun”.
Ito ay nagsasabing, sobrang liwanag ni Neptune dahil direktang naliliwanagan siya ng The Sun. Kumbaga, kay Neptune nakatumbok ang liwanag ng Haring Araw.
At tulad ng nasabi noong nakaraan, Neptune ang ruling planet ng mga taong may zodiac sign na Pisces. Dahil dito, ang mga isinilang sa zodiac sign na Pisces ay pinaniniwalaan na magliliwanag ang kapalaran kaya sila rin ay sinasabing masuwerte sa panahong ito.
Bukod sa mga nasa Pisces, sino pa ang mabibiyayaan ng masuwerteng kapalaran?
Dahil ang number ni Neptuno ay 7 o siyete, ang mga isinilang sa ika-7, 16 at 25 ay masuwerte rin. Kabilang sa mga papalarin ay ang mga taong may bitbit na numerong 7.
Gayundin, dahil si Neptuno ay tinatawag na “God of the Seven Seas”, ang mga may hanapbuhay na may kaugnayan sa dagat ay papalarin din.
At dahil si Neptuno ay may nickname rin na “God of Voyages”, ang mga manlalakbay o mga may hanapbuhay na pumupunta sa malalayong lugar ay kabilang din sa mga papalarin.
Gayunman, dahil si Neptuno ang sinasabing Hari ng Karagatan, ang mga bagay na makukuha sa dagat ay magsisilbing ‘very powerful lucky charms’ sa sinumang magmamay-ari nito.
Para sa mga taong hindi napabilang sa mga susuwertehin, puwede silang magkaroon ng magandang kapalaran o makabahagi sa mga suwerteng regalo ni Neptuno sa mga tao.
Sa simpleng paraan na dumikit sa mga taong nabanggit o kaya ay pasayahin ang nasabing mga nilalang sa itaas, pakisamahan, regaluhan, isama sa lakwatsa, pakainin ng masasarap at iba pang bagay na ikatutuwa ng mga “Anak ni Neptuno”.
Good luck and God bless!




Comments