Horoscope | Setyembre 13, 2019 (Biyernes)

Sa may Kaarawan ngayong Setyembre 13, 2019 (Biyernes): Papataas ang antas ng iyong buhay kahit minsan ay nakararanas ka ng hindi magagandang mga araw. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Marami kang dapat ipagmalaki at ipagmayabang pero, ang payo para sa iyo ay panatilihin mo ang kababaang-loob mo nang sa gayun ay magdagsaan sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-23-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kailangan mong kumilos para sa iyong kinabukasan. Hindi masasayang ang mga pagkilos mo dahil ang mga ito ay mga hakbang papalapit sa mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-18-20-25-31-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aralan mo ang lahat ng ikikilos mo. Hindi ka puwedeng mabigo. Maraming buhay ang nakasalalay sa iyo. Muli, hindi ka puwedeng mabigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-27-29-30-33-42.
CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang mga pangarap bago mo yakapin ang kahit sino. Ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan mo lamang sa katuparan ng iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-16-22-23-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makikita mo ang mga kahinaan at kapintasan ng mga tao. Sarilinin mo na lang ang mga ito dahil sila lang ang makagagawa ng pagbabago sa sarili nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwertengkulay-green. Tips sa lotto-16-18-20-25-26-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iaangat ka ng talas ng iyong isip. Walang katulad ang iyong talino. Hahangaan ka ng nakatataas sa iyo at kikilalanin ang iyong natatanging galing at husay na wala ang kapwa mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-29-30-33-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Diktahan mo ang taong gusto mong hingan ng pabor. Taglay mo ngayon ang kakayahang magdikta sa mga nakadikit sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-25-29-36-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag wala ka, walang magagawa ang nagsasabing ikaw ay kanyang inspirasyon. Sa maniniwala ka o hindi sa sinabi niya, ang payo ay manatili ka muna sa kanyang buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-20-25-31-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na sa araw na ito ay ikaw ang panginoon ng iyong buhay. Huwag kang mabigla. Mas magandang gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-20-25-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mahiya na lumapit sa mga makatutulong sa iyo. Siguradong sila rin ay nagpatulong. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-18-28-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bihag ang puso mo ng may kakaibang katangian na hindi suplado pero, tahimik at may mahiwagang personalidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-28-39-40-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Hindi man gaanong kalakihan at hindi gaanong karamihan, sapat pa rin para masabi mong hindi ka nakalilimutan ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-17-21-25-34-42.




Comments