Pulis binentahan, 2 kulong sa shabu

HIGIT sa P22,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang umano’y sangkot sa droga na naaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City.
Sa nakarating na report kay NPD Director Brig. Gen. Rolando B. Anduyan, alas-9:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation kontra kina Lowella Balsamo, 34, at Carlo Sanchez, 29, sa isang bahay sa Bgy. Malinta.
Timbog ang mga suspek matapos makipagtransaksiyon ng droga sa isang undercover police. Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang sa 3.5 gramo at nasa P22,750 ang halaga.
Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.





Comments