Na-inspire raw sa naging buhay ng nakulong na aktor… Baron, ginawang datu ng hari at reyna ng Sulu a
- BULGAR

- Sep 12, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @baron.geisler
NAKATANGGAP kamakailan ng honorary title ang aktor na si Baron Geisler mula sa royal family nina King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak.
Ang hari at reyna ay ang nagmana ng trono ng Sultanate ng Sulu at North Borneo.
Pinagbasehan umano ng royal family ang pagbibigay-inspirasyon ng aktor nang bumalik siya sa showbiz.
Na-meet umano ng hari at reyna ang aktor sa isang birthday party.
Esplika ni Baron, na-meet niya ang Raja at Queen Helen sa party ng nagngangalang Atty. Joe Villanueva, ang head pastor at CEO ng Shikainah and Knights of the King Circle Incorporated International.
“They called me up to the stage so I shared my testimony with everybody, kung papaano ako chinange ni God and kung ano ‘yung mga paghihirap na naranasan ko sa jail. Even my memory nasira, na-trauma, but because of submitting to God and His calling, he restored me back to sanity and I’m very grateful for that.”
Natuwa raw ang Queen and King sa kanya. At the following day ay nakatanggap siya ng message mula sa secretary ng royal family.
“‘King and Queen want to give you the honorary title of Datu.’ I feel very honored and grateful,” ani Baron.
Ayon pa sa Ang Probinsyano aktor, nang ma-meet niya ang hari at reyna ay wala siyang kaalam-alam kung ano ang estado nila sa buhay.
“I didn’t know who they were until I Googled them. Wow, they owned oil, halos lahat ng oil sa Mindanao. And for a simple guy like me, an actor, just a regular guy, na-notice nila na puwede nila akong gamitin to spread peace,” dagdag pa ng aktor.
Samantala, pinabulaanan naman ni Baron na nawala o tinanggal siya sa longtime serye na Ang Probinsyano.
Wala rin daw katotohanan na ibinalik siya sa rehab dahil bumabalik na naman daw siya sa dating gawi.
“Not true! Fake news! Just keep them wondering, as long as we know I’m still in Probinsyano, nothing to worry. I’m doing well. Okey na po ‘yun. Less chika, more on showing. Kita naman po sa posts natin po everyday na lumabas ako sa Probinsyano. Nakikita naman nila ako everyday sa show,” ani Baron sa isang interbyu.




Comments