Magre-retire na raw… Mother Ricky, ibebenta na ang mga properties


AT this point of his life, wala nang dapat pang hilingin sa buhay ang beauty guru at salon owner na si Mother Ricky Reyes.
Sa sarili niyang pagsisikap ay nakapagpundar na siya ng kabuhayan na sobra-sobra na para sa kanyang pagreretiro.
Maraming natuto sa kanyang project na “Isang Gunting, Isang Suklay” kung saan may mga sarili na ring beauty parlors ang mga naturuan niya. Maging ang ilang beauticians niya sa kanyang mga parlors sa mga malls ay malayo na rin ang narating at may kani-kanya nang beauty salon.
Nagtayo rin ng foundation si Mother Ricky Reyes, ang Child Haus, kung saan tumutulong sila sa mga batang may cancer na nangangailangan ng treatment, gamot at pampagamot. Ang building ngayon ng Child Haus na nasa Maynila ay donated ng pamilya nina Hans Sy at Henry Sy (SLN). Meron ding Child Haus sa QC, located at V. Luna.
Sa Linggo (Sept. 15), magse-celebrate ng 16th anniversary ang Child Haus at malaking event ang inihanda ni Mother Ricky Reyes.
Pagkatapos ng anniversary, haharapin naman ni Mother Ricky ang pagtatayo ng isang paying retirement resort somewhere in Antipolo.
Plano niyang ibenta na ang ibang properties na naipundar para sa bagong retirement project na ito.





Comments