top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Laban-bawi sa SOGIE Bill.. LGBTQ, sopla sa Palasyo

Mylene Alfonso
Sep 12, 2019
1 min read

Nilinaw ng Malacañang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression o SOGIE Bill.

Unang nang inihayag ng pangulo na handa siyang i-certify ang panukala bilang urgent dahil gusto niya na ‘happy’ ang LGBTQ community.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na posibleng hindi naman ang SOGIE Bill ang pinatutungkulan ng pangulo sa naging pahayag nito.

Aniya, kung may sesertipikahin ang Punong Ehekutibo, ito ay ang Anti-discriminatory Bill. Ang pinakahuhulugan umano ng pangulo ay ang batas na para sa lahat at hindi lamang ang karapatan ng LGBTQ com­munity na masasaklaw na rin naman aniya ng naturang panukala.

“Hindi, ang sinasabi ni Presidente iyong isi-certify niya most likely, hindi iyong SOGIE Bill, kung hindi an anti-dis­crimination bill. Kailangan kasi hindi puwedeng isang class lang ng tao ang gagawan mo ng subject ng isang batas, otherwise magiging class legislation iyon,” ayon kay Panelo.

“Pero iyong anti-discrimination bill, pareho ng anti-discrimination law niya sa Davao, iyon ang puwedeng … in other words, lahat ng uri ng discrimination laban sa kanino mang tao, sa class or person, iyon ang ayaw niya,” wika pa ni Panelo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page