top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kakulangan ng budget, dahilan kaya sablay ang mga atletang Pinoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2019
  • 2 min read

CHESS, boxing, swimming, track and field at bowling — ilan lamang ito sa mga tanyag na sports na hindi lamang kinahihiligang laruin ng mga Pinoy kundi inilalaban din sa iba’t ibang kompetisyon sa loob at labas ng bansa.

Sa ilalim ng Konstitusyon, kabilang sa polisiya ng Pilipinas ay ang pagkilala sa gina­gam­panang papel ng kabataang Pinoy sa pag­papaunlad ng ating bayan.

Bukod dito, kasama rin ang obligasyong pro­tektahan ang pisikal, moral, ispiritwal, intelek­twal at panlipunang kapakanan ng lahat ng mga indibidwal.

Sa totoo lang, ang ating bansa ay napa­ka­raming bilang ng mga mag-aaral na magaling sa larangan ng sports.

Ngunit, dahil sa kanilang limitadong badyet, nahihirapang maabot ng mga bata ang kanilang mithiing maiuwi ang medalya sa kanilang ma­hal sa buhay at maging sa ating bansa.

Ngunit, dahil din sa kanilang determinas­yong lumaban at makamit ang tagumpay, hindi nila hahayaang matulog na lamang ang kanilang mga pangarap.

Sa halip, sila na mismo ang gumagawa ng paraan at diskarte para makadalo sa mga pagsa­sanay at suportahan ang sarili sa kakailanganing pambayad upang mas matuto at mahasa sa pa­boritong sports.

Sa kasalukuyan, bukod sa limitadong opor­tu­nidad sa de-kalidad na edukasyon, maging ang suporta sa sports development, nakalu­lung­kot din dahil patuloy silang sumasabak sa mga kompetisyon nang walang sapat na nut­risyon ang pangangatawan at nakararanas ng iba pang kakulangan sa pisikal at sikolohikal na kahandaan at kasanayan dahil walang sapat na pasilidad.

Ito ang dahilan kaya natin isinusulong ang Senate Bill No. 732 o ang Philippine High School for Sports Act.

Bilang chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, tungkulin na­ting magpatupad ng mga polisiyang akma sa Konstitusyon ng Pilipinas.

Sakop nito ay ang pagpapalaganap ng edu­kasyong pampisikal at panghihikayat ng mga sports program, league competition at ama­teur sports, kabilang na ang pagsasanay para sa mga laban sa ibang bansa at itaguyod ang disip­lina sa sarili, pakikipagkapwa-tao at kahu­sayan alang-alang sa malusog at alertong lipunan.

Kapag naisabatas na ang ating panukala, magtatayo tayo ng national high school na Phi­lippine High School for Sports (PHSS) na mag­sisilbing paaralan ng mga atletang mag-aaral.

Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng nasa­bing paaralan, naniniwala tayong matagumpay nating maibabalik ang pagpapanatili at panga­ngalaga ng magandang kultura ng sports sa kabataan, kasabay ng pagtuturo sa kanila ng basic education sa tulong ng K to 12 kurikulum.

Sa tulong ng PHSS, matututukan ang kaba­taan sa kanilang mga pangangailangan sa pag­hahasa ng kanilang napiling sports.

Malapit sa puso nating mga Pinoy ang pa­nonood at paglalaro ng sports.

Ngayon ang tamang panahon para mas kilalanin pa ang ating bansa bilang tahanan ng mga magigiting na kampeon sa buong mundo sa larangang ito.

Hangad nating ang mga mag-aaral ay lubusang maihanda at mahubog sa pakikibaka sa anumang kompetisyon upang harapin ang laban na puno ng inspirasyon, dignidad at dedi­kasyon para sa sarili, mahal sa buhay at bayan.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page