top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hindi si Catriona… Alden, beauty queen ang ipinalit kay Maine

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2019
  • 2 min read

Bulag ang role ni Alden Richards sa GMA-7’s newest primetime telebabad na The Gift, so swak lang sa kanya ang saying na… “Love is blind!” Kaya’t hindi imposible kung ma-in love man siya sa co-star niyang si Jo Berry and vice-versa.

Sa grand mediacon ng The Gift ay biniro kasi ni Elizabeth Oropesa sina Jean Garcia at Jo Berry na kahit daw mga nanay ni Alden ang role ng dalawa sa naturang serye ay tipong may pagnanasa raw ang mga ito kay Alden, kaya nagkatawanan ang lahat.

In real life, taken na si Jean Garcia, pero si Jo Berry, wa­ley pang dyowa kaya ‘di im­po­sible kung mainlabey itech kay Alden, ‘noh!

“Hindi ko po alam ‘yung ganu’n (sa biro ni La Oro),” depensang sagot agad ni Jo Berry. Pero inamin naman niyang super-kilig siya sa Pambansang Bae.

“Pinanggigigilan niya ako lagi… ayaw niya akong mapagod sa paglakad kaya lagi niya akong binubuhat,” dagdag pa ni Jo.

Ang katwiran naman ni Alden na tipong natatawa ay, “Mabagal kasi siyang maglakad,” na tipong binigyan ni yours truly ng title that goes… “The Pagong Walk” na siyang tatalo sa “Lava Walk” ni Catriona Gray. Yo, wanna bet, ha, log? Insert smiley, J!

“Kinikilig po ako sa kanya. Pero hindi po totoo na may pagnanasa ako sa kanya,” lahad uli ni Binibining Jo Berry.

Yes, binibini ‘coz wala pa siyang dyowa, ‘noh! As in dalagang-dalaga pa, in pernes!

“Saka, bago pa kami nagkasama sa The Gift, ipinag-pray ko po kay Lord na maka-work ko siya at ibinigay naman po sa akin dito nga po sa The Gift, na napaka­ganda po ng istorya,” she even added.

So, swak kay Jo Berry ang saying na… “God is good all the time,” in pernes.

Si Alden naman, when asked kung ano ang best gift na natanggap niya sa buong buhay niya, sagot niya, “‘Yung pagiging aktor ko po. With this best gift, binago nito ang buhay ko pero as much as it is changing my life, I am changing others as well through the inspiration they get sa mga ginagawa kong projects.”

Well, ang beauty queen (hindi si Catriona Gray na nali-link sa aktor, ha?) na si Thia Thomalla ang love interest ni Alden sa The Gift, at nani­niwala ang mga fans ng aktor na kahit baguhan ang leading lady niya, kering-keri itong dalhin ni Alden.

So, sa mga umaasa pa ring ipapasok si Maine Mendoza sa The Gift as guest para makasama uli ni Alden, sori na lang, Alden can manage! Alden can manage raw, oh!

Samantala, kasama sa cast ng The Gift sina Jean Garcia, Elizabeth Oropesa, Luz Valdez, Martin del Rosario, Christian Vasquez, Ysabel Ortega, Rochelle Pangilinan, Tetay, Betong Sumaya, Mikee Quintos at Mikoy Morales na mula sa direction ni L.A. Madridejos

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page