'Di ma-take na itinaob ng Kapuso actor… Kampo ni Daniel, todo-banat pa rin kay Alden
- BULGAR

- Sep 12, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Wala naman palang rason para i-bash at awayin si Alden Richards ng ilang KathNiel fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pag-aakalang dadalo ang Pambansang Bae sa ABS-CBN Ball. Ang narinig kasi namin, hindi dadalo si Alden. Wala raw itong natanggap na invitation at ayaw naman nitong maging gate crasher.
Isyu kasi sa ibang KathNiel fans na baka kay Kathryn dumikit si Alden sa event dahil wala itong kakilala sa ABS-CBN. Ayan, mapapanatag na siguro ang mga nagseselos na fans. But for sure, hindi pa rin titigilan ang pamba-bash kay Alden dahil may mga isyu pa rin sila sa halos P1 bilyong resulta ng box-office gross ng Hello, Love, Goodbye.
Samantala, lilipad pa-Cebu sina Alden, Mikee Quintos, Thia Tomalla at Martin del Rosario sa September 13 to promote The Gift na mula sa direction ni LA Madridejos. Nilinaw ni Direk LA na hindi sesentro sa love life ni Sep (Alden) ang story ng The Gift, kaya minus hanash ito ng mga fans.
Naaliw kami kay Alden nang ipalabas ang AVP ng The Gift sa eksenang sumali siya sa Mr. Divisoria na plastic ang suot. Natawa at nagtakip ng mukha ang aktor, pero isa ‘yun sa mga nakakatawang eksena sa teleserye.
Sa Sept. 19, lilipad pa-Bangkok si Alden para dumalo sa event ng isang network sa Thailand. Sa Sept. 20 ang event at sa 21 na ang balik nila nina Ken Chan at Dennis Trillo na invited din sa event.





Comments