top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Coed, tiklo sa droga

Gina Pleñago
Sep 12, 2019
1 min read

NABISTO ang 23-an­yos na college student nang makuhanan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng kanyang bag habang pa­pasok ito sa eskuwelahan sa Makati City.

Nasa kustodiya ng Ma­kati City Police ang estud­yan­teng si Nathaniel Razo­nable, 2nd year college ng Uni­versity of Makati (UMAK).

Base sa ulat na nakara­ting kay Makati City Police Chief P/Col. Rogelio Simon, nahuli ang estudyante sa na­banggit na unibersidad sa JP Rizal Extension, Makati City alas-10:45 ng umaga.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, habang nag-iinspeksi­yon ang security guard sa mga gamit ng mga estud­yante papasok sa kanilang unibersidad nang mapansin nito ang nakabalot sa yellow pad na kanyang binusisi at doon nakita ang marijuana na tangka sanang ipasok ni Ra­zonable.

May nakuha pang glass tube na may residue pa ng marijuana kaya agad hinuli ng sekyu ang suspek at dinala sa himpilan ng Makati City Police.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page