Bagyong Marilyn, hahataw

LUMAKAS pa ang bagyo na tatawaging ‘Marilyn’ kapag pumasok na sa teritoryo ng Pilipinas sa Biyernes.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa layong 1,495 kilometro sa silangan ng Visayas at nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 70 kilometro kada oras. Sa bilis na 15 kph kumikilos ang bagyo patungong silangan-hilagang-silangan.
Sa Biyernes ng umaga inaasahang papasok sa PAR ang bagyo at nasa layong 1,150 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan. Hindi na inaasahan ng PAGASA na tatama sa lupa ang nasabing bagyo.





Comments