top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Mcgregor, hinamon ng rematch si Nurmagonedov

  • Gerard Arce
  • Sep 11, 2019
  • 1 min read

MATAPOS mapanatili ni undefeated UFC lightweight cham­pion Khabib Nur­­ma­gomedov ng Russia ang korona, nakatuon ngayon ang atensyon ng lahat kung sino ang susunod na makakalaban ng bagong Pound-for-Pound Mixed Martial Arts fighter. Naging matagumpay ang pagdepensa ng 30-anyos na Ruso kay American Dustin Poirier nitong Sabado ng gabi sa UFC 242 sa Abu Dhabi sa bisa ng 3rd round submission, tatlong pangalan agad ang lumutang para masubukan ang undefeated streak nito.

Mabilis na pumutak ang bibig ng dating two-time UFC champion at Irish bad-boy na si Conor McGregor (21-4) nang hamunin nito ng ‘Rematch’ ang Russian wrestler para sa dating titulo nito na maaaring ganapin sa Moscow. Naging kontrobersyal ang tapatan ng dalawang fighter ng mauwi ito sa rambulan matapos patulugin ng Russian ang tinaguriang ‘The Notorious’ sa UFC 229 noong Oktubre ng 2018.

Ipinahayag ni McGregor sa twitter account ang mga katagang: “Book my rematch for Moscow.” Ngunit, ayon kay UFC president Dana White, nakaumang na umano ang title shot para kay Tony Ferguson (25-3) na ilalatag ang 12-game winning streak laban sa 28-0 ni Nurmagomedov. Ngunit, iba ang nasa isip ni Nurmagomedov – si Georges “Rush” St-Pierre (26-2) ng Canada, na kinokonsidera ng marami na ‘greatest MMA of all time’ ngunit retirado na noon pang Pebrero. Gayun­man, interesado pa rin ang Russian fighter na makasuntukan ang dating three-time welterweight at middleweight titlist para umano sa isang ‘Charity Fight’ na tiyak na lilikom ng maraming pera para sa Africa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page