top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mas sumikat daw ngayon… Alden, ipinagsigawang blessing ang paghihiwalay nila ni Maine

  • Vinia Vivar
  • Sep 11, 2019
  • 1 min read

PARA kay Alden Richards, ang best gift na kanyang na­tanggap sa buong buhay niya ay ang pagiging aktor.

“With this gift, binago po nito ang buhay ko,” pahayag ni Alden sa grand media launch ng bago niyang prime­time series sa GMA-7, ang The Gift.

“Pero as much as it’s changing my life, I’m changing others as well, through the inspiration they get through the projects that I make, especially po the fans.

“Ang ikinatutuwa ko po kasi is mahal ko po ‘yung trabaho ko, na mas minamahal ko po siya kapag mayroon po akong siyempre, naba­basang comments, mga lumalapit sa akin na, ‘O, Alden, ang ganda ng ginawa mong ganitong klaseng project and you changed my life,’” patuloy niya.

Ang pagbibigay daw ng inspirasyon na ito sa mga tao ang goal niya at ito rin marahil ang higher calling, hindi lang sa kanya kundi sa mga kasamahan niyang artista.

“‘Yung hindi lang po kami artista, hindi lang po kami nagpo-portray ng mga roles, hindi lang po kami nakikita sa TV, but the higher calling po sa aming mga aktor is really to give inspiration to people especially po (sa) mga kababayan nating Pinoy,” aniya.

Sundot na tanong sa kanya ay kung regalo rin ba na nahiwalay siya sa love team without mentioning Maine Mendoza’s name, at sagot ng aktor, “Blessing in a way po na parang binigyan po ako ng chance na mag-grow.”

Patuloy niya, “Masarap po ‘yung paki­ramdam na nakakagawa ka ng mga pro­yekto na magiging proud ka sa sarili mo. So, masaya po ako sa mga nagiging desisyon ko ngayon.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page