top of page
Pokwang.jpg

Mas mababang singil sa kuryente, kasado na

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 11, 2019
2 min read

INANUNSIYO ng Me­ralco ang matagumpay na bidding para sa contract ca­pacity na 1,200 MW (NET) na magsu-supply sa Meral­co, epektibo sa Disyembre 26, 2019 para sa 10 taong ter­mino.

Ang hakbang ay ginawa dahil sa circular ng Depart­ment of Energy (DOE) na nagtatakda na bumili ng kur­yente sa pamamagitan ng Competitive Selection Pro­cess (CSP).

Ang CSP ay pinanga­ngasiwaan ng Third Party Bids and Awards Committee (TPBAC) na ginawa dahil sa naturang circular.

Ipinaaalam din ng dis­tribution utility sa pubiko na matapos ang pagbubukas at evaluation sa Bids, idineklara ng TPBAC na ang bidding na isinumite ng PHINMA Energy Corporation, San Miguel Energy Corporation at South Premiere Power Corporation ang siyang ‘Best Bids”.

Ginawa ng TPBAC ang findings base sa non-discre­tionary “Pass/Fail” assess­ment matapos madeter­mina na walang failure of bidding.

Base sa instructions ng Prospective Bidders, ang na­ngunguna sa bidding ay sa­sailalim sa post-qualifica­tion.

Ang Third Party Bids and Awards Committee ay inaasahang mag-iisyu ng notices of awards na pabor sa mga pumasa sa post qua­lification kahapon at susun­dan ito ng pirmahan ng Po­wer Supply Agreement sa Meralco ngayong linggo.

Idineklara naman ng Me­ralco na ang matagumpay na CSP ay magreresulta sa mas mababang gastos sa mga consumer dahil ang all-in rate ay kasama na ang line rental at VAT, gayundin ang gastos sa replacement power sa lahat ng plant outrages.

Ang generator compa­nies din ang mananagot sa pagpapabayad ng multa kapag hindi sila nakapag-de­liver ng kuryente na gagamitin para mabawasan ang genera­tion cost ng mga consumer.

Ayon pa sa Meralco, ang resulta ng presyo mula sa CSP ay mas mababa sa ka­nilang average generation cost ngayon na umaabot sa P5.88 per kWh (VAT inclu­sive) at kapag naipatupad na ito simula sa Disyembre 26, inaasahan ang mga consu­­mer ng Meralco ay makati­tipid ng P0.28 per kWh o 9.46 bilyon kada taon sa loob ng 10 taon mula sa bagong Power Supply Agreements na pangangasiwaan ng na­nalong power suppliers. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page