Jeepney driver, tinodas ng 2 katoma

DEDO ang 42-anyos na jeepney driver matapos pagsasaksakin ng dalawang kainuman sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Richard Timeña, ng Gen. T. de Leon habang nadakip ang isa sa mga suspek na si Ricthell Divina Gracia, 38, samantalang, nakatakas ang kasabwat na si Sherwin Devilla, 34.
Sa report kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, alas-10:45 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at mga suspek sa J.E. Fama Compound nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga ito sa hindi malamang dahilan.
Para makaiwas sa gulo, nagpasya ang biktima na umuwi subalit, sinundan siya ng mga suspek saka pinagsasaksak.





Comments