Ina Ni: John Rey Seminiano Reonico
- BULGAR

- Sep 11, 2019
- 1 min read

Ika’y higit sa anumang klase ng ginto,
ika’y isa sa mga yaman nitong mundo,
isang pag-ibig, na ‘di kayang ikubli,
ang aking tula’y ikaw ang sanhi.
Ika’y sa‘king nagturo,
kung paano lumaban at tumayo,
higit saan, higit kanino,
ikaw ang nagtiwala sa angkin kong talento.
Nag-aruga at nagpalakas,
walang pag-aalinlangan,
hinubog mo‘ko nang buo,
inabot lahat ng pangangailangan.
Lahat ng ito’y alay ko sa’yo,
mga paa ko’y hindi mapaparito’t matututong tumakbo,
lahat ng hirap tiniis mo,
saludo’t pasasalamat lamang ang hatid ko.
‘Di ko man maipahayag,
ang pag-ibig ko ina,
sa aking paglalayag,
nais kong maipakita.
Na… ika’y higit sa anumang klase ng ginto,
ika’y isa sa mga yaman nitong mundo,
pag-ibig mo’y ‘di kayang maikubli,
ina, ikaw ang aking bayani.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments