top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hindi lang sa love life kundi sa lahat ng bagay... Mga taong pisces, sobrang suwerte ngayong Septemb

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 11, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ang mahalagang kaga­na­pan sa mundo ng As­trolohiya.

Ngayong Setyembre, ang bunta­lang si Neptu­no ay mata­tagpuang “op­posites to the Sun”.

Ang ganitong kala­­ga­yan ni Neptuno ay mag­bibigay sa kanya ng sobrang liwanag, as in, siya ay nasa todong-lakas.

Ano naman ang ka­halagahan nito sa mun­do ng tao?

  1. Si Neptuno ang ti­nawag na ruling planet ng zodiac sign na Pisces kung saan ang mga isini­lang sa nasabing zodiac sign ay magiging masu­werte at ang kanilang su­werte ay nasa todong-lakas.

  2. Dahil dito, ipinapayo na gawin nila ang gusto nilang gawin dahil ang langit ay nasa kanilang panig.

  3. Ipinapayo na gawin na nila ang mga hindi nila nagawa sa nakaraan. Ga­yundin, ipinapayo na muli nilang gawin ang mga ba­gay na nabigo sila noon.

  4. Makikita nila sa ka­nilang mga sarili na sob­rang masigla, biglang na­ging positibo at sumaya. Ito ang mga palatandaan na ang tao ay susuwer­tehin na.

  5. Makadarama rin sila ng nag-uumapaw na la­kas, karisma at madara­ma rin nila na sila ay na­kagagayuma o ang ka­nilang personalidad ay sobrang mapang-akit.

  6. Sa ayaw at sa gusto nila, dumarami ang nag­kakainteres sa kanila, hin­di lamang sa pagiging ka­ibigan kundi sila rin ay ma­kikitang gustong makare­las­yon.

  7. Ang ganitong naka­gugulat na kaganapan sa kanilang buhay ay mada­rama rin ng sinumang ma­dikit sa kanila na sila ay suwerte. Kumbaga, ma­rami ang susuwer­te­hin da­hil sa kanila.

  8. Ito rin ang patunay na ang mga lucky charm ay hindi mga bagay la­mang dahil ang mga tao ay puwede ring maging lucky charm ng kapwa nila.

  9. Dahil ang mga nasa Pisces ay suwerte nga­yon at tulad ng nasabi na, nasa todong-lakas ang kanilang powers.

Sila rin ay pinapa­yuhan na ma­ki­pagsa­pa­laran kung saan nakataya sa kanila ang kapalaran ng tao.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page