Foreign investments at tax reform bills, aprub na
- BULGAR

- Sep 11, 2019
- 1 min read

INAPRUBAHAN sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 304 o Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) at HB 300 o Amendment of the Foreign Investments Act (FIA).
Ito ang ikalawa at ikatlong prayoridad na panukalang-batas na naipasa, matapos ang sa pagpapataw ng dagdag-buwis sa alak at sigarilyo.
Iniakda ni Committee on Ways and Means Chairman Rep. Joey Sarte Salceda ang PIFITA Bill na layong baguhin ang National Internal Revenue Code of 1997 at ireporma ang sektor ng pinansiyal sa Pilipinas.
Samantala, ang FIA Amendment Bill, na pangunahing isinulat ni Rep. Victor Yap ay layong mabago ang Republic Act No. 7042, kilala rin bilang “Foreign Investment Act of 1991” sa pamamagitan ng pagpayag sa mga dayuhan na maisagawa ang kanilang propesyon sa Pilipinas, at pababain ang bilang ng kailangang mga lokal na empleyado para sa ilang mga negosyo.
Samantala, maituturing umano itong record-breaking na tagumpay ng Kongreso sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano. (BRT)





Comments