'Di nagpahuli kina Kathryn at Alden… Anne, sobrang hapi na naka-P100 Milyon ang movie nila ni Ma


Nitong September 9 (Monday) episode ng It’s Showtime, inanunsiyo ni Anne Curtis na kagagaling lamang niya ng Middle East, sa Dubai at Abu Dhabi, para sa special screenings ng kanilang movie na Just a Stranger.
Ang nasabing pelikula na pinagbidahan nina Anne at Marco Gumabao ay tumabo ng higit P100-M sa mga sinehan nationwide. So, ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at Just a Stranger ang dalawang magkasunod na box office hits pagkatapos ng dose-dosenang pag-flop sa takilya ng ating mga local films.
Habang siya’y nasa Dubai, nagpahatid ng mensahe ng pasasalamat si Anne sa mga tumangkilik sa kanilang pelikula ni Marco.
“I love you, Dubai! 3 sold-out screenings for Just a Stranger. Maraming salamat sa pagmamahal and the warm smiles I received today. Tomorrow, ABU DHABI kayo naman at the Oscar Cinema, Al Whada Mall!” mensahe ni Anne na kanyang ipinost nitong Friday, September 6.
Hindi nakasama sa Just a Stranger Middle East screenings ang kanyang leading man na si Marco dahil kasalukuyan itong nagteteyping ng Los Bastardos, ang drama-hapon Kapamilya serye.
Bukod sa pagbisita sa ilang shopping malls sa Dubai, Anne also got the chance to bond with renowned Filipino designers Ezra Santos, Michael Cinco and Furne One.





Comments