top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Cerveza Rosas vs. Princess Eowyn

Ding Taboy
Sep 11, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

MAGHAHARAP ang Cerveza Rosas at Princess Eowyn at lima pang mananakbo sa Set. 15 sa 2019 PHILRACOM Sampaguita Stakes Race sa Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Makahaharap ng Princess Eowyn at Cerveza Rosas ang Doktora, El Debarge, Good Voyage, Heiress of Hope at Truct Me. May nakalaan na P2-M na premyo kung saan mapupunta sa kampeon ang P1.2-M, habang mapupunta sa P450,000 ang 2nd Place at tatanggap ng P250,000 ang 3rd place at sa 4th place ang P100,000.

Kaya sa Set. 15, matutunghayan ang karera sa Santa Ana Racing Park. Bukod sa mga mananakbong Cervesa Rosas at Princess Eowyn, nagbabanta rin ang Trust Me, El Debarge at Heiress of Hope.

Magkakaharap ang mga kalahok sa Additional One Win in Group races sa Metro Turf, Malvar, Batangas ngayong gabi. Sa Condition Race Merged 9, may limang kalahok na Secret Affair, Garantisado, Boss Emong, Brennero at Eugene Onegin sa Race 1 at pinapaboran ang Boss Emong na um­pisa ng Pick 5.

Sa Race 2, sisimulan ang Winner Take All (WTA) at pinagpipilian ang tatlong mananakbo na Barrio San Jose, Crystal Creek at Laughing Tiger, habang sa Race 3 nakalalamang ang Condessa bilang panimula ng Pick 6.

Magaganap ang 2nd Pick 5 sa Race 4 at paglalabanan ng My Sheltex at Lakan Takhan at sa Race 5 nakalalamang ang Boy Sofmeadows at posibleng tumalo ang couple entry na Charger at Pabulong isama ang Marahuyo. Patok ang Harapin Mo sa Race 6 habang Race 7 nakalalamang ang Gintong Tubig at My Priviledge at Hello Junior sa Race 8.

Tips ni Mang Ding: Race 1-Boss Emong (3) Race 2- Laughing Tiger (2) Crystal Creek (10)

Race 3- Condessa (4) Totally Different (7); Race 4- Lakan Takhab (7) Entry No.2 My Sheltex (1) Race 5- Boy Sofmeadows (6) Entry No.2; Race 6- Harapin Mo (4) Batas Kamao (1) Race 7- Gintong Tubig (2) Rise Up (5) Sure Win (6) Race 8- My Priveledge (1) Hello Junior (6) Corte English (7) 1St Pick 5(1-5) 3/2-10-11/4-7/1-2-7/6-2/ 2nd Pick 5(4-8) 1-2-7/6-2/4/2-5/1-6/ WTA(2-8) 2-10/4-7/1-2-7/6-2/4/2-5/1-6/ Pick 6 (3-8) 4-7/1-2-7/6-2/4/2-5/1-6/ Pick 4(5-8) 6-2/4/2-5/1-6

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page