top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Walang sinayang na panahon Ni: Erwin Cruz

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2019
  • 1 min read

Walang araw na lumipas na hindi ako naging masaya,

ikaw ang dahilan kung bakit ganito ang aking nadarama.

Laking pasasalamat ko nang ika’y aking nakilala,

hiling ko sana ay ‘wag nang matapos pa.

Mukha mo’y nakatatang-gal ng pagod,

mata mong nakapagpapa­gaan ng loob,

kamay mong napakalam-bot, kapag nakita ka,

ngiti ko’y hanggang tainga ang abot.

Habang tumatagal ang ating pagsasama

nawawala sa akin ang kanyang alaala.

Dahil sa mga payo mong tagos hanggang buto

na minsa’y hindi mo kontrolado.

Para lamang ipamuka sakin kung ano ako, pagsasalita mo’y dirediretso.

Ngunit, sa pagkalabit ko ng aking gitara,

kasabay nito ang iyong pagkanta.

Wala man sa tono ang iba,

ang mahalaga’y nagiging masaya tayong dalawa.

Ang bawat pagtawa mong nagbibigay-sigla sa buong araw ko,

hampas mo na nagpapaalala na ika’y nandyan sa tabi ko.

Mga biro mong nagpapakilig sa puso ko

ang dahilan kung bakit ako nahuhulog sa’yo.

Sana ngayong nalalapit na Pasko ika’y aming makasama hindi lang sa munting salu-salo,

kundi pati na rin sa Bagong Taon ng buhay ko

at sa mga susunod pang yugto.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page