Presidente ng homeowners association, tinodas
- Janice Baricuatro
- Sep 10, 2019
- 1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang ginang na presidente ng homeowners association sa General Trias City, Cavite, kamakalawa.
Kinilala ang nasawing biktima na si Maria Tita Candelario, 55, na tinangka pang isugod sa Gen. Tri Medical Center pero, dahil sa maraming tama ng bala na tinamo ay hindi na ito naisalba.
Nabatid na alas-9:30 ng umaga, naglalakad ang biktima sa PIHA Subd., Freedom Island, Sitio Carapiohan, Bgy. Santiago, Gen. Trias City, nang lapitan ng mga suspek saka pinagbabaril.
Patuloly pa ang imbestigasyon sa insidente upang madakip ang mga suspek at mabatid ang motibo sa pagpatay.





Comments