Pasahero, tiklo sa baril at bala sa NAIA
- June Simon
- Sep 10, 2019
- 1 min read

INARESTO ng Philippine National Police-Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang papaalis na pasahero dahil sa tangkang ipuslit palabas ng bansa ang .22 caliber pistol.
Kinilala ang pasahero na si Leandro Gatdula na nakatakdang umalis patungong Incheon, South Korea lulan ng Asiana Airlines flight nang harangin ito ng Office for Transportation Security (OTS) personnel sa initial security check makaraang mapansin ang imahe ng baril sa loob ng kanyang bagahe habang ito ay idinaraan sa x-ray scanning.
Agad inimpormahan ng OTS ang aviation police tungkol sa kanilang interception.
Bukod sa baril, anim na bala at magazine ang nakita sa loob ng bagahe ni Gatdula.
Anila, lumabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act si Gatdula.





Comments