top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

NCAA: 10th win, target ng Red Lions vs. EAC Generals

A. Servinio
Sep 10, 2019
2 min read

HAHANAPIN ng San Beda University ang kanilang ika-10 panalo sa pagbubukas ngayong Martes ng ikalawang round ng eliminations sa 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre. Kasalukuyang namamayani ang Red Lions at nag-iisa sa tuktok ng liga at nabunot nila ang Emilio Aguinaldo College na nasa kabilang dulo na may isang panalo sa siyam na laro.

Mahalaga ang mga laro ngayon lalo na sa mga naghahabol sa ilalim na torneo tulad ng season host Arellano University na haharapin ang Lyceum of the Philippines University sa 2:00 p.m. at ang Jose Rizal University kontra Colegio de San Juan de Letran sa 4:00 p.m. Nalasap ng Arellano ang kanilang ika-7 talo sa kamay ng San Sebastian College noong Biyernes, 79-85.

Para sa ikalawang round, magtatakda ang NCAA ng tatlong laro tuwing Martes at Biyernes at dalawang laro bawat Huwebes. Lahat ng laro ay gagawin sa FilOil at wala na muna ang “NCAA On Tour”.

Samantala, ginulat ng Arellano at University of Perpetual Help System-Dalta ang kanilang mga kalarong taglay ang twice to beat advantage upang pahabain ng todo ang semifinals ng NCAA Chess Tournament noong Sabado. Tinalo ng Arellano ang defending champion at top seed College of St. Benilde, 2.5-1.5, habang dinaig ng Perpetual Help ang San Beda, 3.0-1.0, para magtakda ng isa at huling laro sa kanilang serye kung saan ang mga magwawagi ay maghaharap para sa kampeonato.

Ang Saint Benilde at San Beda ang namayani pagkatapos ng 9 na round sa elimination na may 26.5 at 26.0 puntos sa posibleng 32.0 puntos. Sumunod ang Perpetual Help (20.0), Arellano (17.0), Lyceum (15.0), Letran (14.5), Mapua University (12.0), Jose Rizal (6.5) at EAC (6.5).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page