Kontrabidang love ng madlang pipol… Dimples, most trending actress of 2019

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

HUMANGA ang maraming televiewers sa kakaibang Dimples Romana na palaging sinusubaybayan sa daytime teleseryeng Kadenang Ginto.
Napakagaling ng pagganap niya bilang kontrabidang si Daniela Mondragon na lalong naging maingay dahil sa mga memes na ginagawa ng mga netizens. Isa siya sa mga kontrabidang minahal na ng mga Pinoy.
Dahil dito, pinarangalan si Dimples ng Philippine Social Media Awards bilang Most Trending Actress of 2019.
Labis ang pasasalamat ni Dimples, a.k.a. Dani Girl dahil sa suportang natanggap niya sa mga fans. Aniya, nagbunga ang lahat ng paghihirap niya sa trabaho dahil sa pagmamahal ng madlang pipol kahit na mayroon ding mga naiinis sa role niya sa Kadenang Ginto.
“Maraming-maraming salamat po Philippine Social Media Awards sa parangal na The Most Trending Actress award (Kadenang Ginto) 2019 #OhDani my character Daniela Mondragon will not be as iconic and as legendary as it is now if not for your continuous love and support. For all the shared, liked and commented posts all across the internet, salamat po.”





Comments